MAGINOO
Ang Maginoo ay katumbas ng Executive Board (EB) ng ibang organisasyon sa Pamantasang De La Salle. Kung babalikan ang kasaysayan ng bansa, ang mga tinatawag na maginoo noong unang panahon ay ang mga namumuno sa isang lugar. Sila ang pinakamataas sa lipunang Pilipinoo bago pa dumating ang mga mananakop na Espanyol. Ang mga maginoo rin ay mga taong mararangal, marurunong at maabilidad kaya naman sa Pilipinas, pinatutukuyan sila bilang maharlika. Ito ang dahilan kung bakit pinili ng DANUM ang salitang maginoo para sa EB nito. Naniniwala ang DANUM na ang mga kawani nito ang siyang patuloy na ipaglalaban at isusulong ang adhikain ng Organisasyon na mahalin ng mga Pilipino ang sarili nitong wika sa pamamagitan ng midya ng may sapat na kaalaman, abilidad at may dangal.

Pangulo
Kamusta ka-DANUM!
Ako si DEBORRAH ANASTACIO. Layunin ko na manguna sa pagsulong ng mga adhikain ng DANUM at dalhin ang Organisasyon sa patuloy na progreso upang mas mapagsilibihan ang mga Lasalyano at ang bansa. Bilang pangulo, mayroon akong malinaw na tunguhin para sa DANUM upang ito ay maging rumaragasang tubig na maglilinis ng maling pananaw sa wikang Filipino, papawi ng uhaw ng pagkakakilanlan ng sariling identidad, at magdidilig ng bagong kaalaman sa lipunan gamit ang midya.


Ikalawang Pangulo
Kamusta ka?
Ako si LIANE LIWANAG. Layunin ko na suportahan ang bawat gawaing isasagawa ng Organisasyon. Ako ang direktang nakikipag-usap sa mga Tagapangulo upang malaman ang mga problema na dapat ayusin sa kanilang mga gawain at pagbuklurin ang mga ito.

Kalihim
Pagbati!
Ako si CHARMAINE GOZON. Layunin ko na ayusin ang mga kinakailangang papeles para maisakatuparan ang mga gawain na binubuo kaugnay sa pagsulong ng adhikain ng DANUM. Ako rin ang namamahala sa maayos na pagtala ng mga kasaping dumadalo sa ating mga proyekto. At lingguhang isulat ang mga napag-uusapan sa pagpupulong ng Maharlika.


Ingat-Yaman
Hello sa inyo!
Ako si BEVERLY O. Layunin ko na ingatan ang bawat sentimos na pumapasok at lumalabas sa kaban ng DANUM. Ako ang sumusuri kung magkano ang dapat ilabas na pera sa mga proyektong ginagawa. At naghahanap ng mga mas mababang halaga ng mga gagamitin sa isang aktibidad.

Tagapangulo ng Akademiks
Kamusta!
Ako si KRIS VILLASFER. Layunin ko na ipagpatuloy ang nasimulan na ng organisasyong DANUM sa paghubog ng kanyang mga miyembro upang maging instrumento sa pagsusulong ng wika at kulturang Pilipino. Aking inaalam ang mga pangangailangan ng aming mga kasapi pagdating sa kanilang mga aralin. Gumagawa ako ng mga proyekto na mas lalong mapalalalim ang mga kanilang natutunan upang mas mahubog ang mga kasapi sa mapipiling propesyon sa hinaharap.


Tagapangulo ng Gawain
Hello!
Ako si TIFFANY BUNCHOO. Layunin ko na panatilihin ang patuloy na pagsulong ng wikang Filipino at ang pag-papaunlad nito sa pamamagitan ng iba't ibang proyekto. Sinusubukan kong bigyan ng bagong mukha ang mga karaniwang aktibidad upang maengganyo ang mga kasapi na makilahok.


Tagapangulo ng Yamang-Tao
Hello!
Ako si JOYCE ANDALIS. Layunin ko na maipalaganap ang mga proyekto ng DANUM sa mga miyembro at mga Lasalyano. Ako ang nakikipag-usap sa mga kasapi tungkol sa kanilang mga katanungan sa mga gawain. At ako ang nagiging tulay sa maayos na komunikasyon sa pagitan ng Maharlika at mga kasapi.


Tagapangulo ng Publisidad
Hi!
Ako si MACY KALAW, layunin ko ang pagpapalaganap ng mga makabagong impomasyon sa DANUM.


Tagapangulo ng Panloob na Ugnayan
Hi!
Ako si SEAN TAN. Layunin ko na siguraduhing mapanatili ang epektibong ugnayan sa pagitan ng DANUM at ng iba pang mga organisasyon at opisina sa loob ng Pamantasan. Ako ang opisyal na kinatawan ng pangulo sa pakikipag-usap sa pamunuan ng ibang grupo at tanggapan ng DLSU.


Tagapangulo ng Panlabas na Ugnayan
Pagbati sa inyo!
Ako si KATE NERY. Layunin ko na pangalagaan ang ugnayan ng DANUM sa labas ng Pamantasan tulad ng mga organisasyon sa iba't ibang institusyon. Ako rin ang naghahanap ng isponsors para sa ibang gawain ng organisasyon. Ako ang opisyal na kinatawan ng pangulo sa pakikipag-usap sa pamunuan ng ibang grupo at tanggapan sa labas ng DLSU.


Tagapangulo ng Ispiritwal at Sosyal na Ugnayan
Magandang araw!
Ako si Maureen Roraldo! Responsibilidad ko ang mag-organisa ng mga aktibidad na tutulong sa DANUM upang patuloy na tumibay ang ispiritwalidad ng bawat kaspi nito. Bukod dito, layunin ko ring lumikha ng mga aktibidad na mabibigay-daan sa DANUM upang makatulong sa mga kapatid nating nangangailangan. Sa pamamagitan nito, mamumulat ang bawat isa sa tunay na kalagayan ng mga kapatid natin sa labas ng pamantasan.


Tagapangulo ng Lohistika at Operasyon
Malugod na pagbati sa inyo mga Ka-DANUM!
Ako si Mark Miranda, ang tagapangulo ng lohistika at operasyon ng DANUM. Layunin kong masigurado ang pagdadausan at gagamitin sa bawat aktibidad ng organisasyon.


Tagapangulo ng Publikasyon

LUPON
Ang lupon ay ang mga katuwang ng piling Tagapangulo ng DANUM. Sila ang komite na tumutulong sa pagpapatupad ng mga gawain na nangangailangan ng maraming lakas-paggawa.
Sa kasalukuyan, mayroong tatlong lupon ang DANUM at ito ay ang mga:
- Lupon ng Dokumentasyon
Layunin ng lupon na ito na panatalihing maayos ang mga dokumento ng DANUM. Sila ang sumusubaybay at tumutulong iproseso sa lahat ng papeles na pumapasok at lumalabas sa organisasyon. Ang namamahala sa Lupon ng Dokumentasyon ay ang Kalihim na si Charmaine Gozon.
- Lupon ng Yamang-Tao
Layunin ng lupon na ito na alagaan ang mga kasapi ng DANUM. Sila ang naghahatid ng mga impormasyon tungkol sa mga gawain ng organisasyon. Sila rin ang gumagawa ng mga ice breakers sa mga piling akitibidad ng DANUM. Dagdag pa, sila rin ang nagsisisgurado sa magandang koneksyon ng DANUM sa mga kasapi nito. Ang namamahala sa Lupon ng Yamang-Tao ay ang Tagapangulo ng Yamang-Tao na si Joyce Andalis.
- Lupon ng Publisidad
Layunin ng lupon na ito na gumawa ng mga posters o anumang materyal pang-anunsyo ng mga gawain DANUM. Sila ang grupo na may malawak at malikhaing imahinasyon. Ang namamahala Lupon ng Publisidad ay ang Tagapangulo ng Publisidad na si Macy Kalaw.
- Lupon ng Pananalapi
Layunin ng lupon na ito na ingatan at suriin ang bawat sentimos na pumapasok at lumalabas sa kaban ng DANUM.Sinisigurado nila na tama
ang pinaggagamitan ng pera ng organisasyon. Pinamamahalaan ng Ingat-Yaman na si Beverly O ang lupon na ito.
LAKAN
Ang Lakan ang tawag sa mga batang kawani (junior officers) ng DANUM. Ang salitang lakan ay tumutukoy rin sa isang pinuno. Katumbas nito ang mga tinatawag na datu at raja. Sa salita ring ito nagmula ang pangalan ng Palasyo ng Pilipinas, ang Malacanan. Nabuo ang salitang Malacanan dahil sa paulit-ulit na pagsasambit ng mga tao na may lakan diyan.
Pinili ng DANUM na tawagin ang mga batang kawani nito bilang lakan sapagkat nakikita ng Organisasyon na sila ay karapat-dapat tawaging pinuno dahil ang mga ito ay dadaan sa karampatang pagsasanay upang maging epektibong lider ng DANUM. Walang dahilan na bigyan ng mas mababang katawagan kaysa sa mga Magninoo ang mga batang kawani dahil katulad lamang sila ng mga Maginoo na nagnanais mapaunlad ang kanilang grupo.


