Ang DANUM ay ang propesyonal na organisasyon ng mga mag-aaral ng Pamantasang De La Salle  - Maynila na  kumukuha ng AB-Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media (AB-PHM).  Nakatuon ang mga pag-aaral sa  iba't ibang midya - print, telebisyon at radyo - na sadyang ginawa para sa aplikasyon sa Pilipinas. 'Di tulad  ng mga ibang larangan sa midya, naka-sentro ang  pag-aaral ng kurso sa  kultura at wika ng bansa na siyang kalakasan ng mga mag-aaral dahil kanilang gamay ang pagtakbo ng midya sa Pilipinas.

BISYON

Natatanaw ng DLSU-DANUM ang kanilang mga kasapi bilang mga instrumento ng pagbabago at pag-unlad ng industriya ng midya at ng bansa. Natatanaw rin nito ang isang komunidad na nagpapahalaga at patuloy na nagpapayaman sa Kulturang Filipino at kumikilala sa Wikang Filipino bilang isang wikang makapangyarihan.

MISYON

Sa pamamagitan ng pagsasagawa at pangunguna sa mga proyekto at gawaing mahahalaga at makabayan muling panunumbalikin ng DLSU-DANUM ang sigla ng bawat Pilipino sa pagtataguyod at pagkilala ng kanilang kultura at pagbibigay halaga sa Wikang Filipino. Makikiisa ang DLSU-DANUM sa Departamento ng Filipino sa pagbibigay serbisyo na makakapagtaguyod ng matatapat, makatarungan at propesyonal na media practitioners na siyang mangunguna sa mga pagbabagong kahaharapin ng ating Pamantasan at ng ating bansa.

Ano ang DANUM?

Ang salitang danum ay salitang Kapampanagan, Ilokano at Ilonggo na nangangahulugang tubig.

Ang tubig ang simbolo para sa wika na siyang bumubuhay sa ating bansa, pagkatao, at pagkakakilanlan. 

           

Ang Pagsisimula

Pinangunhan ni Dr. Dexter Cayanes ng Departamento ng Filipino ang pagtatatag ng DANUM kasama ang unang pangkat ng mga estudyante ng kurosng AB-PHM noong Pang-akademikong Taon 2004-2005.