Ang DALUBHASAAN NG MGA UMUUSBONG NA MAG-AARAL NG ARALING FILIPINO (DANUM) ay binubuo ng mga kabataang pinanghahawakan ang paniniwalang sila ang mangunguna sa pagbabago, hindi lamang sa larangan ng midya kung hindi maging sa bansang Pilipinas. Sila rin ang muling bubuhay sa kahalagahan at magpapayaman sa kulturang Pilipino. At sa huli, nais nilang itaguyod ang wikang Filipino bilang isang makapangyarihang wika.